KALYE NG BUHAY KO
Ako’y nagmula sa kalye ng Biyaya
May paninindigan at paniniwala
Marahil sa iba’y tingin ay suplada
Ngunit tuwa’t galak ang tunay na dala
Minsa’y napadpad sa kalye ng kalungkutan
At naligaw din sa kalye kabiguan
Hanggang sa narating ang kalye pag-asa
At muling nagbigay sa ‘kin ng ligaya
Pagtungo ko sa kalye kaligayahan
Nakita ang mga tunay kong kaibigan
Na tanging sandalan pagnangangailangan
Nagbibigay lakas, ituloy ang laban
Sa dami ng kalyeng aking nadaanan
May dalawang tumatak sa ‘king isipan
Ang kalye pakumbaba’t pagpapatawad
Dulot ay kagandahan ng kalooban
Sa lahat ng kalye kong napagdaanan
Maraming aral ang aking natutunan
Aking pasasalamat sa Panginoon
Dahil ‘di nagsawang ako’y biyayaan
No comments:
Post a Comment